Magna Carta for Informal Ambulant Vendors suportado ng TRABAHO
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang matibay na suporta sa pag-apruba ng Kongreso sa Magna Carta para sa mga Informal at Ambulant Vendors na layong magbigay proteksyon at mga probisyon para sa mga street vendors sa buong bansa.
Ang panukalang batas, na ipinasa ng House of Representatives noong Pebrero 3, ay itinuturing na isang makasaysayang hakbang upang magbigay ng seguridad, tamang proseso, at mas maayos na kondisyon sa trabaho para sa mga informal na vendors.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, isa sa pinakamahalagang bahagi ng panukala ay ang pinadaling proseso ng pagrerehistro para sa mga nagbebenta sa kalye.
Pinuri rin ng tagapagsalita ang pagbuo ng isang Local Inter-Agency Council na layong magbigay-suporta sa mga sidewalk vendors, na magsisilbing tulay sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.
“Ang mga street vendors ay hindi ang problema; ang problema ay ang kawalan ng mga oportunidad sa trabaho na nagiging dahilan kung bakit nagtatayo sila ng kanilang mga tindahan sa mga kalsada. Ang batas na ito ay hindi lamang tungkol sa regulasyon, kundi sa pagsuporta ng trabaho at pagkilala sa mga karapatan ng mga nagbebenta,” paliwanag ni Atty. Espiritu.
- Latest