Lahat ng government hospitals lagyan ng mga gamot, gamit – Tulfo

MANILA, Philippines — Isusulong ngayong araw ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at ilan pang mga kasamahan sa Kongreso ang isang batas na magtatakda sa Department of Health (DOH) na lagyan na ng mga gamit at gamot ang lahat ng mga ospital ng pamahalaan sa buong bansa partikular na sa mga liblib na lugar.
Ang panukalang batas ni Cong. Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo, ay may pamagat na “Universal Medical Access and Equipment Act of 2025”.
“Nakakasawa ng marinig mula sa mga kababayan natin lalo na ‘yung sa mga probinsya na walang gamit at gamot ang ospital nila,” ani Tulfo na House Deputy Majority Leader din.
“Ang problema kasi ang pinopondohan lang ng DOH ay ‘yung mga ospital na under sa kanila na mga malalaking ospital tulad ng Lung Center, NKTI, East Ave Medical at iba,” wika niya
“Pero ‘pag ang ospital under sa LGU, ‘yun ang kawawa dahil hindi na sakop ng DOH funding kaya kulang-kulang o walang gamit at mga gamot lalo na ‘pag ‘yung ospital manage ng mahirap na LGU”, paliwanag ni Tulfo. Dagdag pa ni Tulfo, may mga ospital nga raw sa mga probinsya o munisipyo pero ‘pag wala namang gamit o gamot, “ano pa ang silbi nito?”
Karamihan sa mga ospital sa mga probinsiya o munisipyo bukod sa walang gamot, ay walang mga basic na gamit tulad ng x-ray, ECG machine, at ultrasound.
- Latest