^

Bansa

Duterte kay Marcos: Bigyan kami ng patas na eleksyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte kay Marcos: Bigyan kami ng patas na eleksyon
Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
Senate of the Philippines Facebook page

MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Marcos Jr. na bigyan sila ng patas na eleksyon sa darating na Mayo 12.

Ang panawagan ay ginawa ng dating Pangulo sa kanyang anunsiyo sa national coordinating meeting ng PDP-Laban senatorial candidates gayundin sa iba niyang kandidato sa lokal mula sa ibat ibang panig ng bansa.

“This coming election, I hope that the President, kung marinig niya ako, bigyan niya tao ng, sabi ko nga a fair, patas lang ang laban…kagaya ko noon, prangka-prangka ako sa mga taong, tayo na huwag kayong pumasok sa takutan pati ‘yung sa violence,” ayon kay Duterte.

Kabilang naman sa mga inindorso ni Duterte na kandidato ng PDP-Laban ay sina Senators Ronald dela Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, gayundin ang abogadong si Jimmy Bondoc, Raul Lambino, Rodante Marcoleta, Jayvee Hinlo at ang aktor na si Philip Salvador.

Hinikayat din ng dating pangulo ang publiko na iboto ng straight ang nasa PDP-Laban slate.

Tumutok naman ang partido sa naturang pagpupulong tungkol sa strategic plans at  coordination efforts.

DUTERTE

MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->