P200 umento sa sahod lusot na sa House panel
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang P200 across-the-board na umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Kung mapagtibay bilang batas, oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industriya, na magpatupad ng P200 arawang umento sa suweldo ng kanilang mga manggagawa.
“The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that meets the needs of our workers while ensuring that businesses, particularly MSMEs (micro, small, and medium enterprises), are supported during this transition,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na habang patuloy na tumataas ang inflation ay sumisirit din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya lubhang kailangan ng makatwirang wage hike.
Binanggit niya ang huling batas na naipasa para itaas ang sahod— ang Wage Rationalization Act of 1989, ay ginawa mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan at napatunayan na hindi ito nagresulta sa lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagsasara ng maraming negosyo.
“Let’s make history together, and hopefully, after 36 years, this will finally be passed. We are now closer than ever to passing the first-ever legislated P200 daily across-the-board wage increase under the leadership of Speaker Martin Romualdez,” sabi ni TUCP Partylist Rep. Democrito Raymond Mendoza.
- Latest