^

Bansa

P30 bilyong military pension aprub kay Budget Secretary Pangandaman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P30 bilyong military pension aprub kay Budget Secretary Pangandaman
Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman participates in the Kapihan sa Manila Bay forum on January 8, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit sa P30 bilyon pondo para sa regular pension requirements ng mga military at uniformed personnel (MUP) para sa unang quarter ng taong 2025.

Ayon kay Pangandaman, ang kanilang hakbang ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“For many MUP retirees and their families, pensions are a lifeline that ensure their daily needs are met, katulad po ng pambili ng gamot o pagkain. Naiintindihan po natin, lalo na po ni Pangulong BBM, kung gaano kahalaga na matanggap po ng ating mga pensioner ang benepisyo nila kaya agad-agad rin po, matapos makumpleto ang mga kailangang dokumento, pinirmahan po natin ang pagpapalabas ng budget sa mga concerned agencies,” ayon sa kalihim.

Ayon pa kay Pangandaman, ang naturang P30.409 bilyong pondo ay nakalaan para sa Pension and Gratuity Fund (PGF) sa ilalim ng Republic Act (RA) 12116 o ang FY 2025 General Appropriations Act (GAA).

May kabuuang P16.752 bilyon ang inilaan sa Armed Forces of the Philippines – General Headquarters-Proper at sa Philippine Veterans Affairs Office sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Samantala, nasa halos P13.297 bilyon ang inilaan para sa mga attached agencies ng Department of Interior and Local Government (DILG) kabilang ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at National Police Commission.

Para sa 34 pensioners na nasa ilalim ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagpalabas si Secretary Pangandaman ng P8.530 milyong pondo.

Samantala, ang mga funding requirements para sa pagbabayad ng mga pensiyon ng 2,836 retiradong uniformed personnel ng Department of Transportation (DOTr)-Philippine Coast Guard (PCG) para sa parehong panahon ay nagkakahalaga naman ng P350.680 milyon.

Ang pagpapalabas ng mga naturang pondo ay nakabase sa aktuwal na pension payroll na isinumite naman sa mga nabanggit na MUP agencies noong Disyembre 31, 2024.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with