^

Bansa

Pangulong Marcos: Pag-akyat sa SC ng 2025 budget bahagi ng destab

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Pag-akyat sa SC ng 2025 budget bahagi ng destab
President Ferdinand Marcos Jr.
Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bahagi ng destabilisasyon ang inihaing reklamo sa Supreme Court (SC) na kumukuwestyon sa legalidad ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ng Pangulo na nais lamang ng mga naghain ng reklamo na matigil ang operasyon ng gobyerno at maituloy ang destabilization.

“We shut down everything. I guess that’s what they want-- they want the government to cease working. So matuloy ‘yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” pahayag ng Pangulo.

Tiwala naman ang Pangulo na mayroong solid footing ang ­gobyerno para depensahan ang budget at nakausap na rin niya si Solicitor ­General Maynard Guevarra. Kumpiyansa rin siya na kayang depensahan ni Guevarra ang P6.326 trilyong budget ngayong taon sa Korte Suprema.

Sinabi rin ng Pangulo na binasa niya ang 4,057 pahina ng budget at wala siyang nakitang blank items.

“But let me tell you, as President, I am going to give you a run for your money. Just last month, I had to read 4,057 pages of the General Appropriations Act for 2025,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una nang dumulog sa SC sina dating ­Executive Secretary Vic Rodriguez at Davao Rep. Isidro Ungab para ipawalang bisa ang national ­budget. ­Kinukwestyun din ng mga ito ang mga blank items sa bicameral conference committee report ng Kongreso.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with