^

Bansa

DOLE aalalay sa Pinoy deportees sa US

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOLE aalalay sa Pinoy deportees sa US
Sa ambush interview kay DOLE  Secretary Beinvenido Laguesma sa jobs fair sa Pasay City, sinabi nito na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na maabutan ng ayuda ang mga deportees.
STAR/File

MANILA, Philippines — Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga Filipino deportees mula Amerika.

Sa ambush interview kay DOLE Secretary Beinvenido Laguesma sa jobs fair sa Pasay City, sinabi nito na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na maabutan ng ayuda ang mga deportees.

“Ang Department of Labor and Employment, batay sa tagubilin ng ­Pangulo, aalalay, susuporta para makatulong doon sa mga posibleng madeport,” ayon kay Laguesma.

Matatandaan na inutos ni US President Donald Trump na magsagawa ng crackdown sa illegal immigration.

Nasa 24 Filipino na ang ipinatapon pabalik ng Pilipinas habang 80 pa ang nasa deportation process.

Inihalimbawa ni Laguesma ang pagtulong na ginawa ng gobyerno sa 200,000 undocumented Pinoys sa Malaysia.

Bukod sa DOLE, nakahanda rin aniyang tumulong sa mga deportees ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with