^

Bansa

P200 wage hike iraratsada ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabibilisin na ng Kamara ang pagpasa ng panukalang P200 umento sa suweldo ng mga manggagawa sa gitna na rin ng mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

“This is a critical step toward achieving inclusive growth and addressing the ­immediate challenges faced by Filipino families,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos makipagpulong sa mga lider at kinatawan ng malalaking labor groups upang pakinggan ang kanilang mga karaingan at rekomendasyon sa hirit na umento sa suweldo.

Sinabi ni Romualdez na habang patuloy na tumataas ang inflation ay sumisirit din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya lubhang kailangan ng makatwirang wage hike.

Binanggit niya ang huling batas na naipasa para itaas ang sahod— ang Wage Rationalization Act of 1989, ay ginawa mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan at napatunayan na hindi ito nagresulta sa lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagsasara ng maraming negosyo.

“If we were able to do this in the past, there is no reason why we cannot do it now, especially with careful planning and collaboration with all sectors. Hindi lang natin tataasan ang suweldo, titiyakin din natin na makatutulong ito sa ating ekonomiya,” pahayag ni Romualdez.

“Ang lumalabas na consensus dito sa House of Representatives, pending ongoing public consultation, baka kayang dagdagan ng P200 bawat araw ang minimum wage,” dagdag niya.

Ikinokonsidera umano ng Kamara ang pagbibigay ng wage subsidy o exemption sa mga micro, small and ­medium enterprises (MSME) upang hindi lubhang maapektuhan ang mga ito sa planong pagtataas ng sahod.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with