^

Bansa

China nagdeploy pa ng barko sa Zambales

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
China nagdeploy pa ng barko sa Zambales
Ayon sa PCG, namataan nila noong Linggo ang CCG-3304, di kalayuan mula sa CCG-3103, na nakaposisyon may 90 hanggang 100 nautical miles mula sa dalampasigan ng Zambales.
Jay Tarriela / Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa halip na umalis, nagpadala pa ang Chinese Coast Guard (CCG) ng backup vessel o karagdagang barko sa karagatang sakop ng Zambales nitong weekend.

Ayon sa PCG, namataan nila noong Linggo ang CCG-3304, di kalayuan mula sa CCG-3103, na nakaposisyon may 90 hanggang 100 nautical miles mula sa dalampasigan ng Zambales.

Samantala, ang CCG-5901 naman, na mas kilala sa tawag na ‘monster ship,’ ay namataan din may ilang nautical miles lamang ang layo mula sa CCG-3103.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng PCG na patuloy na nagbabantay sa lugar ang BRP Cabra upang mapigilan ang CCG-3103 na makalapit pa sa coastline ng Zambales.

“Despite these developments, the PCG remains committed to challenging the illegal presence of Chinese Coast Guard vessels. The PCG will not allow China to alter the status quo by encroaching closer to the coastline of Zambales,” anito pa.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with