^

Bansa

Vloggers na nagkakalat ng fake news tatalupan ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vloggers na nagkakalat ng fake news tatalupan ng Kamara
Stock photo shows a woman on a laptop showing "fake news."
memyselfaneye / Pixabay

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Tri-committee ng Kamara ang imbestigasyon sa mga indibidwal na nasa likod ng talamak na pagpapakalat ng fake news na isa umanong matin­ding panlilinlang sa publiko.

Magsasagawa nga­yon ng executive briefing ang joint panel na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at Information and Communications Technology (ICT) na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez.“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” sabi ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon para sa perso­nal o politikal na interes ay dapat na managot.

“Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating mga kababayan,” dagdag pa ng solon.

Pangunahing isyu na tatalakayin ang transpa­rency ng mga social media platforms sa pagtukoy at pagtanggal ng maling impormasyon, pagpapatupad ng mga hakbang sa pananagutan laban sa mga paulit-ulit na lumalabag tulad ng mga iresponsableng vlogger at influencer, at ang mas malawak na epekto ng disimpormasyon sa pambansang seguridad, lalo na sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga inimbitahan ang mga pangunahing social media platforms upang ipaliwanag ang kanilang mga polisiya at hakbang kung paano nila nilalabanan ang fake news, cyberbullying, at mapanirang content.

Sinabi ni Fernandez na tutukuyin din sa imbestigasyon ang mga butas sa batas upang matugunan ang mga isyu.

Nanawagan din ang solon sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyon na kanilang nakikita online at maging mapanuri upang malaman kung peke ang mga ito.

Tututukan din sa imbestigasyon ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalu na sa kabataan at marginalized na pangunahing biktima ng cyberbullying at online harassment.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with