^

Bansa

Marcos-Trump meeting pinaplantsa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos-Trump meeting pinaplantsa
US President Donald Trump signs executive orders in the Oval Office of the White House in Washington, DC, on January 20, 2025.
AFP / Jim Watson / Pool

MANILA, Philippines — Tinitingnan na ang posibilidad na magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang paksang ito ay lumabas sa tawag sa te­lepono nina DFA Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio noong Miyerkules.

“Nagkasundo sina Secretary Manalo at Rubio na tuklasin ang unang pagpupulong nina Pangulong Marcos at Trump sa malapit na hinaharap,” sabi ng DFA.

Bago ito, muling pinagtibay ni Marcos ang “malakas at pangmatagalang alyansa ng Phl-US” at sinabing umaasa siyang “makipagtulungan” kay Trump at sa kanyang gobyerno.

Tinalakay din nina Manalo at Rubio ang state of defense at security cooperation ng dalawang kaalyado, kabilang ang suporta ng US para sa modernisasyon ng depensa ng Pilipinas at ang sitwasyon sa South China Sea.

Ayon pa sa DFA, muli nilang pinagtibay ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng mga pakikipag-ugnayan sa ekonomiya at pagkamit ng katatagan ng ekonomiya.

Binigyang-pansin din ng dalawang Kalihim ang papel ng trilateral na kooperasyon sa Japan hindi lamang sa pagpapalakas ng seguridad sa rehiyon kundi pati na rin sa mga pagsisikap na bumuo ng matatag na supply chain sa mahahalagang sektor at dagdagan ang pribadong pamumuhunan.

DFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with