^

Bansa

Banat kay Rep. Tulfo ‘di umubra

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Banat kay Rep. Tulfo ‘di umubra
Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa huling bahagi ng 2024, patuloy pa rin nasa Top 1 at malaki ang lamang ni Cong. Tulfo laban sa mga katunggali niya sa darating na senatorial elections sa Mayo 12, 2025.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos at paninira ay lalo pang namayagpag si leading senatorial candidate ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo at patuloy na nanguna sa isang survey.

Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa huling bahagi ng 2024, patuloy pa rin nasa Top 1 at malaki ang lamang ni Cong. Tulfo laban sa mga katunggali niya sa darating na senatorial elections sa Mayo 12, 2025.

Sa survey na isinagawa nitong Disyembre 16-22, 2024 na pito sa bawat 10 Pinoy ang boboto kay Cong. Tulfo matapos itong magtala ng 70.8% sa mga na-survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa darating na May mid-term elections.

Nasa pangalawa at pangatlong pwesto sina da­ting Senator Tito Sotto (52.3%) at Ben Tulfo (50.1%); ikatatlo hanggang limang pwesto si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (49.2%) habang apat hanggang ika-pitong pwesto si Sen. Pia Cayetano (46.9%).

Nakatanggap naman si dating Sen. Manny Pacquiao ng 46.3% para sa ikaapat hanggang walong pwesto at ikalima hanggang walong pwesto si Sen. Bong Go (44.4%). Ikaanim hanggang walong pwesto si Sen. ­Ronald “Bato” dela Rosa, na may 43.8% voting preference.

Si Makati City Mayor Abby Binay (40.3%) ay nasa ikasiyam hanggang 11th place na sinundan nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson (39.2%) at Las Piñas City Rep. Camille Villar (37.5%) na tabla sa ikasiyam hanggang 12 pwesto.

Ang television host na si Willie Revillame (36.2%) ay nasa ika-10 hanggang 12 na pwesto. Humabol sa magic 12 si Sen. Imee Marcos (33.3%) na nasa ika-12 hanggang 14 spot, at Sen. Lito Lapid (31.1%) na nasa 13th hanggang 15th spot. Ang naturang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face methodology sa 1, 200 adult respondents.

ACT-CIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with