^

Bansa

Bong Go: Pamilya, Relihiyon ikonsidera sa sex educ bill

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat igalang o ikonsidera ang papel ng mga institusyong pangrelihiyon at pamilya sa paghubog ng kaugalian, kalusugan, at edukasyon ng mga bata sa kontrobersyal na Senate Bill No. 1979, o ang Comprehensive Sexuality Education (CSE) bill.

“Alam n’yo ‘yung nakalagay kasi doon (sa bill), ‘yung international standards… mahirap ‘yon, kung medyo hindi katanggap-tanggap sa kultura nating mga Pilipino,” ayon kay Senator Go.

Binigyang-diin niya na kailangan ng masusi pang pagsusuri at konsultasyon sa mga stakeholder upang matugunan ang mga maling kuru-kuro at pinagtatalunang probisyon.

“Dapat po buksan muli, magkaroon ng hearing lahat ng stakeholders, tanungin, pag-usapan.”

Binanggit ni Go ang malalim na pagi­ging relihiyoso ng mga Pilipino at inihalim­bawa ang sarili o ang pagpapalaki sa kanya ng magulang. “Kilala po ang Pilipino na religious... Lalo na ako, nanay ko, relihiyoso. Nagba-biyahe po ‘yun ng tatlong oras para makapagdasal lang at umakyat ng bundok.”

Idiniin ni Go na ang edukasyon, partikular sa maseselang bagay tulad ng sekswalidad, ay dapat magmula sa pamilya sa halip na ipaubaya sa mga paaralan, lalo sa murang edad.

Ipinaliwanag ni Go na ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa committee report ay dahil sa kanyang posisyon bilang chairperson ng Senate committee on health na nagsilbing secondary committee para sa panukala.

Sumulat na umano siya kay Senate President Chiz Escudero upang ipatanggal ang kanyang lagda sa committee report ngunit kung may substitute bill ay nakahanda siyang lumahok sa pagdinig sa Senado.

Muling iginiit ni Senator Go ang kahalagahan ng pagiging patas at inclusivity sa legislative decision-making na nagsusulong para sa isang bukas na diyalogo na isinasaalang-alang ang lahat ng pananaw.

CSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with