ATeacher namahagi ng tulong sa magsasaka
MANILA, Philippines — Namahagi ang ATeacher nominee at philanthropist na si Virginia Rodriguez ng mga bigas, veggie vitamins, mga libro at organikong pataba sa daan-daang magsasaka at kanilang pamilya sa Catanauan, Quezon bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya na matulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pinoy.
Daan-daang magsasaka at indigent families sa Bgy. San Antonio Pala, Catanauan, Quezon ang nakatanggap ng saku-sakong bigas, pake-pakete ng anti-cancer veggie vitamins, organic fertilizers at mga libro. Ang mga librong ipinamahagi sa mga magsasaka, na may titulong “Leave Nobody Hungry,” na iniakda mismo ni Rodriguez.
Ang naturang libro ay kapaki-pakinabang, hindi lamang sa mga magsasaka kundi maging sa mga mag-aaral upang mahikayat silang magsaka, dahil ang agrikultura ay makapagpapalakas sa ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan nang pagkakaloob ng trabaho, dagdag na kita at kalakalan.
“It also provides raw materials for other sectors, such as manufacturing and processing,” aniya. Ipinunto rin niya na ang mekanisasyon ay makatutulong upang matugunan ang tila nawawala nang interes ng anak ng mga magsasaka sa pagsasaka.
Si Rodriguez ang tanging partylist nominee na nagsusulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa Pilipinas, gayundin ng modernisasyon ng agrikultura, at pagtulong sa mahihirap na magsasaka at kanilang pamilya.
- Latest