Higit 3K bata isinilang ng edad 10-14 noong 2023
MANILA, Philippines — Umaabot sa 3,343 sanggol ang naipapanganak ng mga batang ina na may edad 10 hanggang 14-anyos noong taong 2023, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, mas mataas ang naturang bilang sa 2,113 sanggol na isinilang ng mga batang ina na mababa sa 15-anyos ang edad noong 2020. Nasa 2,320 naman noong 2021 at 3,135 noong 2022.
Lumabas din sa pag-aaral ng PSA na nasa 44 percent ang mga kabataang babaeng Pilipino at 39 percent ng mga kabataang lalaking Pilipino ay kulang sa mga impormasyon tungkol sa sex at kadalasam sila ay nakakakuha lamang ng impormasyon hinggil dito sa social media.
Sinasabi rin ng PSA na ang teen pregnancy na may halos 60 percent ay mga school dropouts sa hanay ng mga kabataang babae na may limitadong potensiyal at walang oportunidad para makapamuhay ng maayos.
Bunga nito, nanawagan ang Child Rights Network (CRN) at child rights advocates sa Senado at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tahasang pag-aralan ang posibilidad na pagpasa sa Adolescent Pregnancy Prevention Bill upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataang Pinoy.
- Latest