^

Bansa

Solon nagbabala vs foreign aid mula Russia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala nitong Sabado si Manila Rep. Joel Chua sa pamahalaan na iwasang humingi at tumanggap ng ‘foreign aid’ mula sa bansang Russia.

“I caution on Russia foreign aid. One administration ago, the former president tried Russia, but that was unproductive and deeply misguided. Unless Russia ends its war with Ukraine, we should just wait until Russia engages better and peacefully,” ayon kay Chua.

Ginawa ni Chua ang pahayag sa gitna ng sinabi ni United States Secretary of State Marco Rubio na ‘freeze’ o ihihinto na ng kanilang gobyerno sa ilalim ni President Donald Trump ang lahat ng ‘foreign aid‘ maliban na lamang sa emergency food at military funding para sa Israel at Egypt kaugnay ng giyera doon.

Ang US ang pinakamalaking donor ng foreign assistance sa buong mundo kung saan isa ang Pilipinas sa sinusuportahan nito. Sa pag-upo ni Trump ay iginiit nito na ang kauna-unahang polisiya ay “America’s First” o ang paghihigpit ng tulong sa ibang mga bansa na kaalyado ng Amerika.

Dahil dito, sinabi ng solon na dapat maghanap ng ibang dayuhang donor ang Pilipinas tulad ng European Union, Middle East, Japan, South Korea at Australia.

RUSSIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with