^

PSN Palaro

Chery Tiggo nakabalik sa pamatay na porma

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chery Tiggo nakabalik sa pamatay na porma
Pinaluan ni Cess Robles ng Chery Tiggo sina Pia Ildefonso at Jolina Dela Cruz ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Nagbalik sa kanilang pa­matay na porma ang Che­­ry Tiggo matapos talu­nin ang Farm Fresh, 21-25, 25-14, 25-17, 25-20, sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Phil­Sports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Cess Robles ng 21 points mula sa 16 attacks, apat na blocks at isang service ace para sa 5-3 record ng Crossovers.

Umiskor si Ara Galang ng 20 markers kasunod ang 12 points ni Cza Ca­ran­­dang, habang naglista si Alina Bicar ng 15 excellent sets para sa kanilang pagbangon mula sa naunang kabiguan sa Petro Gazz An­gels.

“Kailangan nga­yon ma-redeem na namin ‘yung s­a­rili namin — hindi lang sa­rili namin pero ‘yung as a whole, as one team,” wika ni Galang.

Hindi naglaro si main li­­bero Jen Nierva dahil sa kanyang knee injury.

Si Joahna Verdeflor ang sumalo sa kanyang tra­baho at naglista ng 24 ex­cellent digs.

Tanging si Trisha Tubu ang naglista ng double di­git sa kanyang 15 points sa 3-4 baraha ng Foxies na bigong masundan ang pa­nalo sa Nxled Chameleons.

Maganda ang panimula ng Farm Fresh matapos angkinin ang first set sa li­kod nina Tubu at Jolina De­la Cruz.

Ngunit kaagad nakaba­wi ang Chery Tiggo sa se­cond frame bago agawin ang 2-1 abante sa panalo sa third set.

Sa fourth set ay nagtu­lung-tulong sina Robles, Galang, Shaya Adorador at Cza Carandang para ilista ng Crossovers ang 24-20 bentahe.

Ang service ace ni Joy­me Cagande ang sumel­yo sa kanilang panalo sa Foxies.

Pupuntiryahin ng Chery Tiggo ang ikalawang sunod na ratsada sa pagharap sa ZUS Coffee sa Enero 30.

Babawi ang Farm Fresh sa pagsagupa sa Galeries Tower sa parehong petsa.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with