BRP Cabra napigilan barko ng China na makalapit sa Zambales
MANILA, Philippines — Tagumpay na naitaboy ng BRP Cabra ang China Coast Guard (CCG) ship 3103 papalayo sa baybayin ng Zambales, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela nitong Huwebes ng gabi.
Ang BRP Cabra ang pumalit sa BRP Suluan (MRRV-4406) sa pagpapatrulya sa baybayin ng Zambales para iwasan ang patuloy na iligal na presensya ng CCG 3103.
“The strategic maneuvering of BRP Cabra has effectively kept CCG-3103 from getting closer to the coastline of Zambales,” ani Tarriela.
Sa tuloy-tuloy na radio challenges ng BRP Cabra napalayo ang CCG-3103 mula sa 76 nautical miles ng Pundaquit sa may 80-90 nautical miles.
Nabatid na nasa 20 araw na ang China sa pagdedeploy ng kanilang mga barko sa baybayin ng Zambales.
Patuloy naman ang pagdepensa ng Chinese Foreign Ministry sa pagsasabing may karapatan ang Beijing sa South China Sea sa kabila ng desisyon ng arbitral noong 2016 na walang legal na basehan ang kanilang claim sa dash-line kabilang ang mga nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.
- Latest