Pangulong Marcos Jr. ‘di hinaharang ‘impeach Sara’ – Palasyo
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi hinaharang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, taliwas sa pahayag ng Makabayan bloc na nakikialam ang Pangulo sa tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.
Ayon kay Bersamin, inihahayag lamang ni Pangulong Marcos ang kanyang opinyon na pag-aaaksaya lamang ng panahon ang impeachment complaint laban kay Duterte.
“He (Marcos) is not blocking. He cannot do that because it is the discretion of the collective of the lower house. If they decide to initiate, there is no way of preventing that,” pahayag ni Bersamin.
Karapatan din aniya ng mga kongresista na iindorso sa plenaryo ang impeachment complaint.
Hindi rin aniya maaaring diktahan ang mababang kapulungan ng kongreso dahil co-equal branch of government ito, kundi sinasabi lang ng Pangulo dito ang kanyang posisyon.
Tatlong impeachment complaint ang nakahain ngayon sa Kamara laban kay Duterte dahil sa paglabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust, plunder at malversation, bribery, graft at corruption, at iba pang high crimes.
- Latest