^

PM Sports

FiberXers iiwas matalo sa Beermen para sa bonus

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maugong na panapos ang tangka ng Converge upang mapalakas ang tsansa nito sa Top 2 at twice-to-beat advantage kontra sa nanganganib na San Miguel sa umiinit na 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Magpapangbuno ang magkasalungat na koponan sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng krusyal ding duwelo sa pagitan ng Talk ‘N Text (6-3) at sibak ng Phoenix (3-8) sa alas-5 ng hapon.

Katabla ng Converge sa tuktok ng 13-team stan­dings ang NorthPort hawak ang parehong 8-3 kartada habang kabuhol ng San Miguel ang Magnolia at NLEX sa 4-6 kartada para sa ika-8 at huling tiket sa quarterfinals.

Huling assignment ng FiberXers ang Beermen at kung makakalusot ay gaganda ang tsansa sa Top 2 at sa win-once bonus subalit wala pa ring kasiguruhan dahil sa dikit-dikit na kartada ng No. 1 seed hanggang sa No. 7 seed.

Nakaabang kasi sa likod ng Converge ang Meralco (7-3), Eastern (7-3), TNT (6-3), Ginebra (7-4) at Rain or Shine (6-4) na lahat ay may laban pa sa twice-to-beat hanggang sa huling laro.

Para sa Converge, ang pakay nila ay makontrol kung ano ang kaya nilang kontrolin at iyon ay ang lumusot muna sa Beermen na sa kabilang banda ay gutom din sa tagumpay upang manatiling nasa kontensyon.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with