^

Bansa

Pangulong Marcos binati si Trump bilang ika-47 US President

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos binati si Trump bilang ika-47 US President
President Ferdinand Marcos Jr. in Malacañang on December 2, 2024.
Photos courtesy of PCO

MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US President Donald Trump.

Ang pagbati ay ginawa ng Pangulo matapos ang inagurasyon ni Trump bilang ika-47 na pangulo ng Amerika.

“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Umaasa rin si Marcos na mas makatrabaho pa si Trump at ang kanyang administrasyon.

Tiniyak din ng Pangulo na tuloy ang malakas na ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Trump.

“The strong and lasting PH-US alliance will continue to uphold our shared vision of prosperity and security in the region,” pahayag ni Marcos.

Nobyembre noong nakaraang taon, nagkausap sa telepono sina Pangulong Marcos at Trump.

Sa naturang pag-uusap, ipinaabot ni Pangulong Marcos ang malalim na pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa Amerika lalo na sa usapin ng depensa.

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with