Tol: Hosting ng Pinas sa Afghan refugees makatao, kapuri-puri
MANILA, Philippines — kinatuwa ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang balita na lahat ng Afghan refugees na pansamantalang pinatuloy ng Pilipinas habang pinoproseso ang kanilang special immigrant visa (SIV) applications para manirahan sa United States ay nakaalis na sa bansa.
“Dumating sila at umalis sa ating bansa nang ligtas, maingat, at walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang pagho-host sa Afghan refugees ay tama, makatao, at kapuri-puri,” sabi ng senador.
Batay sa news reports mula sa US Embassy sources, ??binanggit ni Tolentino na ang mga Afghan ay may bilang na “wala pang 200” – at hindi 300 gaya ng naunang inanunsyo.
“This gesture will be added to the Philippines’ long and respected record throughout history of providing temporary shelter for refugees escaping war, violence, or persecution,” dagdag ng senador.
Binanggit niya na ang bansa ay nagbukas ng mga pinto nito sa Russian refugees sa pagtatapos ng World War I; Sa Jewish refugees na nakatakas sa pag-uusig ng Nazi noong World War II; Sa Vietnamese “boat people” na tumakas sa Vietnam War noong Dekada 60; at ang pinakahuli, sa mga Rohingya refugee, isang walang estadong Muslim minority na tumatakas sa karahasan at diskriminasyon sa Myanmar.
- Latest