Duterte: 2025 national budget may anomalya
MANILA, Philippines — Pinuna ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y mga iregularidad sa inaprubahang 2025 national budget.
Kasunod ito ng napuna ni Davao City Rep. Isidro Ungab na mga nawawalang halaga ng badyet para sa mga item sa ilalim ng Department of Agriculture at mga unprogrammed appropriations.
Ayon kay Duterte, ang mga items sa national budget ay hindi dapat iniiwanang walang laman na kalaunan ay lalagyan na lamang ng pondo.
“Pagka ganoon, there’s something terribly wrong... As a matter of fact, I would say kung may mga blanko ‘yan na lumusot, that is not a valid legislation. Kung nasa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blanko-blanko, either it could be filled up before or after sa Congress… Pagka putol-putol ‘yan o kulang, that is not a valid budget for implementation,” ani Duterte.
Hindi lamang “inaccurate” ang budget kundi “totally invalid,” ayon kay Duterte.
“Please correct it, or recall the budget and demand an explanation kung bakit dumating sa inyo ‘yan ng ganoon kablanko. Parang binigyan ka ng blanking cheke diyan [at] bahala na kayo ano ilagay ninyo,” ani Duterte.
Ipinaalala rin nito na ang sinumang nag “tampered” sa budget ay maaring makasuhan.
“That is falsification of law… Perjury, forgery, and it can only amount to one thing—criminal action. You can all go to jail for that,” ani Duterte.
“Nakikiusap ako sa mga u**l na ‘to, kung sino ‘yung gumagawa ng ganoon, puwede ba sabihin ko sa inyo na do not [mess with] the people of the Philippines? Magkagulo tayo. Kayong nasa bureaucracy, you better stand up straight and be counted as a true Filipino. Otherwise, you are asking for your early demise. ‘Pag nagcoup d’état ito, patay diyan baka una kayo,” sabi pa ni Duterte.
Ayaw aniya ng mga sundalo na naghirap na nga sila para sa bayan ay nanakawan pa sila ng pera.
Ayon kay Ungab, ang mga blangko ay hindi maituturing na typographical, grammatical, o printing error.
Kinuwestiyon din ni Ungab kung bakit nilagdaan ito ng Senado at Kamara sa kabila na depektibo ito.
- Latest