^

Bansa

Manila mayoralty ‘tight race’ – survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Manila mayoralty ‘tight race’ – survey
Heated race for Manila mayor looms in 2025 Manila Mayor Honey Lacuna delivers her first State of the City Address (SOCA) at the city council session hall on July 11, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa politika sa Lungsod ng Maynila na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato na sina dating­ Mayor Isko Moreno, kasaluku­yang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza.

Batay sa inilabas ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, nangunguna si Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng kanyang patuloy na kasikatan kahit matapos ang kontro­bersyal niyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 2022.

Sumusunod si Lacuna na may 31% ng suporta mula sa mga botante. Matapos niyang maitalaga bilang alkalde mula sa pagiging bise alkalde, tutok si Lacuna sa paglutas ng mga suliraning panglungsod at pagpapanatili ng kaayusan. Sa patuloy na paglakas ng kanyang kampanya, tiwala ang kanyang kampo na maaari pang humabol sa resulta.

Samantala, si Versoza, baguhan sa politika ng Maynila, ay nakakuha ng 15% voter preference. Kilala siya sa makabago niyang kampanya at malakas na koneksyon sa mga kabataang botante.

Ayon sa survey, 8% ng mga respondent ang nananatiling undecided, na nagbibigay-diin sa pagiging hindi tiyak ng resulta ng eleksyon.

Ayon kay Steven Su, program director ng HKPH-ARC, mahalaga ang papel ng mga undecided voters. “Wala pang kandidato ang nakakuha ng mayorya, kaya’t napakahalaga ng desisyon ng mga undecided voters sa magiging resulta,” ani Su.

Ang survey ay isinagawa sa 1,800 rehistradong botante mula sa anim na distrito ng Maynila.

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with