China ‘monster ship’ malapit na sa baybayin ng Zambales
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na mas lalo pang lumalapit sa baybayin ng Zambales ang “monster ship” ng China Coast Guard at sa loob ng dalawang linggo ay patuloy na binabalewala ang kanilang radio challenge sa iligal na pagpapatrulya sa teritoryo ng Pilipinas.
“For the past two weeks, the Philippine Coast Guard (PCG) has been closely monitoring the illegal activities of Chinese Coast Guard vessel 5901 near the Zambales coast. Today, this vessel has been reported to be operating unlawfully at a distance of 60-70 nautical miles from Philippine territory,” ayon sa post sa X ni Commodore Jay Tarriela sa PCG Spokesperson for West Philippine Sea noong Biyernes (Enero 17) ng gabi.
“Despite multiple radio communications from the PCG vessel, BRP Gabriela Silang (OPV-8301), which has challenged the Chinese vessel of its lack of legal authority to conduct patrols in the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ), the Chinese vessel has continued its illegal operations,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Tarriela na ang Pilipinas ang may awtoridad sa mga katubigang ito, alinsunod sa Philippine Maritime Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 Arbitral Award.
Aniya, ang PCG ay nananatiling nakatuon sa pangangalaga sa mga karapatang pandagat ng bansa at pagprotekta sa pambansang interes nito.
Sa mga nakalipas na araw, hindi rin pinakikinggan ng monster ship ang pagtataboy sa kanila ng BRP Teresa Magbanua na huwag magpatrulya sa karagatang sakop ng EEZ.
- Latest