Kiko sinopla ng Comelec sa hirit na ihuli sa balota si Mustapha
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na alphabetical arrangement ng mga pangalan sa balota na nakabase sa apelyido ang pinakapantay at pinakalayunin sa sequence ng mga kandidato na walang partikular na ang sadyang bibigyan ng ‘premium’ at ‘preference’.
Paliwanag ito ng poll body bilang tugon sa mungkahi ni dating Senador Kiko Pangilinan na ilagay na lang ang pangalan ni Subair Guinthum Mustapha bilang No. 67 sa balota bilang senatorial candidate para maiwasan ang muling paggastos sa kanilang mga poster at campaign materials na nakalagay ang assigned number.
“To put his name last on the list would go against fairplay and equality of treatment, ani Laudiangco.
Pahayag naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, “Baka po maging dahilan pa ng panibagong TRO at ma-accuse tayo ng violation ng equal protection clause ng Constitution. Lumalabas po na ung TRO na na-issue ng SC ay hindi lamang isama ang pangalan niya sa listahan ng mga kandidato kung hindi isama siya sa tamang numero base sa alphabetical arrangement. Nauunawaan po natin ang kanilang nararamdaman sa pangyayari na ito bilang mga naapektuhan.”
Bunsod ng ipinalabas na temporary restraining order ng SC kamakailan kaugnay sa desisyon ng Comelec na disqualification kay Mustapha, babaguhin ang mga numero ng balota ng ilang kandidato sa pagkasenador, kung saan ang dating numero ni Pangilinan na 50 ay magiging 51 at kailangang mag-imprenta muli ng 6 milyong balota para sa 2025 elections.
- Latest