Pres. Marcos pabor ituro sex education sa iskul
MANILA, Philippines — Pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maituro ang sex education sa mga paaralan.
Sinabi ng Pangulo na dahil sa dumadaming kaso ng teenage pregnancy, single mother at maging ng mga sakit na may kaugnayan dito, mahalaga na maituro ito sa mga paaralan.
Kasama na rin aniya sa usaping ito na pagka- teenager ang nanay ay hindi marunong mag-alaga ng bata at maging kanilang sarili kapag nabuntis na sila, maging ang kakainin at ipapakain sa bata.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ito ang mga usaping dapat tugunan kaya ang pagtuturo nito sa mga paaralan ay napakahalaga.
“These are all of the things that we need to address. And so, the teaching of this in our schools is very, very important,” pahayag pa ni Marcos.
Bukod dito, dapat rin aniyang magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa mga opsyon na available at kung ano ang kakahinatnan at mga epekto ng pagkakaroon ng anak ng masyadong maaga.
“Children having children is very difficult situation for both the child and the parent,” sabi pa ng Pangulo.
- Latest