^

Bansa

‘Emergency sa bigas’ nakaamba

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Emergency sa bigas’ nakaamba
Muling nag-inspeksiyon si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga palengke kung saan inanunsiyo niya na ang P40/kilo ng bigas sa ilalim ng Rice-For-All program ay ibababa sa P38/kilo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — May sapat na datos at katwiran para magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on Rice.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas.

Dagdag pa ni Tiu Laurel na dahil sa patuloy na tumataas ang presyo ng bigas kaya mahalaga na mailabas na sa mga warehouse ng National Food Authority (NFA) ang may 300,000 toneladang bigas.

Sa ilalim kasi ng Rice Tariffication Law, hindi maaring mailabas ang bigas sa mga bodega ng warehouse hanggat walang kalamidad sa bansa.

Paliwanag ng kalihim, na sa kabila ng mga ipinatupad na hakbang kabilang ang pagbaba sa 15% mula sa 35% ng taripa sa imported na bigas, ay hindi pa rin bumababa at nanatili sa P60 hanggang P64 ang presyo ng kada kilo ng branded rice sa merkado.

Hinihintay na lamang ngayon ni Laurel ang pormal na rekomendasyon ng NPCC bago konsultahin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Laurel, nasa P3 hanggang P5 ang ibababa sa presyo ng bigas oras na maaprubahan ang rekomendasyon ng NPCC.

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na nakahanda na ang kanilang hanay na bantayan ang mga mapagsamantalang negosyante.

Ayon kay Roque, P5,000 hanggang P1 mil­yong multa ang ipapataw sa mga negosyante na hindi susunod sa itinakdang presyo ng bigas.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with