PhilHealth puwede nang gamitin sa outpatient emergency
MANILA, Philippines — Puwede nang gamitin ang PhilHealth sa mga outpatient emergency care para sa mga hindi inaasahang life-threatening medical emergencies, ayon kay Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma.
Sa pagdinig sa Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Ledesma na kasama na sa sasagutin ng Philhealth ang ilang bahagi ng medical expenses ng mga outpatient na pasyente na hindi naman kinakailangang ma-ospital sa loob ng 24 na oras.
“We now also cover outpatient emergency care for more comprehensive financial protection against the unexpected. For life-threatening medical emergencies not requiring hospitalization beyond 24 hours, our members can count on PhilHealth,” ani Ledesma.
Inayos na rin aniya ang benefit package para sa cataract extraction kung saan mabebenepisyuhan ang mga senior citizens at mga pediatric cases.
Samantala, inayos na rin aniya ang benepisyo para sa COVID-19 inpatient at ang severe dengue package ay itinaas ng 194% mula P16,700 sa P47,000.
Kabilang din sa mga sasagutin na ng PhilHealth ang optometric services ng mga 0-15 year-old.
- Latest