Pagsama ng CSE sa iskul kurikulum inangalan
MANILA, Philippines — Pinuna ni dating Deputy Speaker at BUHAY Party-list Rep. Lito Atienza ang panukala sa Senado na naglalayong tugunan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng pagbubuntis ng mga kabataan.
Subalit ayon kay Atienza sakaling maipasa ang Senate Bill 1979 o “An Act Providing for a National Policy in Preventing Adolescent Pregnancies Institutionalizing Social Protection for Adolescent Parents, and Providing Funds Therefor,’ ay isasama sa curriculum ang tinatawag na Comprehensive Sexually Education (CSE) sa mga paraalan para sa mga batang may edad na 4 na taon pataas.
Sa ilalim ng CSE ituturo nito ang mga aralin tungkol sa masturbation ng mga bata sa edad na 4 na taon, ayon sa isang artikulo na tumutukoy sa UNESCO technical working guide.
Kabilang din sa kurikulum ang ‘Pagpapakilala sa mga batang may edad 6 sa konsepto ng kasiyahan sa katawan sa pamamagitan ng limang pandama’, pati na rin ang ‘Pagpapahayag na sa edad 9, may mga karapatan na sa sekswalidad ang mga bata.
Ayon kay Atienza, sakaling maipasa ang batas na ito, magiging sapilitan ang CSE sa lahat ng antas ng edukasyon at ipatutupad sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon.
Giit pa ng dating kongresista na ang nasabing panukalang batas ay kunwari lamang na tutugon sa patuloy na pagdami ng pagbubuntis ng mga kabataan subalit hindi ito magiging solusyon kundi magdudulot lamang ng higit pang problema.
- Latest