^

Bansa

Pagkasibak ni Rep. Co sa House appropriations panel umani ng reaksiyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizen ang pagkatanggal ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House Committee on Appropriations.

Ito’y matapos ipanukala ni Senior Deputy Majo­rity Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang puwesto ng appropriations committee chair, na inaprubahan din ni Speaker Martin Romualdez.

Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang tagapa­ngulo ng komite sa muling pagbubukas ng sesyon Kongreso noong Lunes, January 13, 2025.

Nagbigay rin naman ng pahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon para tutukan ang kalusugan, na tingin ng ilang netizens ay paraan lamang ng mambabatas upang isalba ang sarili sa kahihiyan matapos patalsikin sa puwesto.

Unang naging mainit sa paningin ng ilang mga personalidad si Co sa gitna ng taong 2024 dahil umano sa mga kuwestiyonableng pinaglaanan ng pondo para sa 2025 budget.

“...bakit nagresign sa komite lng, kung tlgang kalusugan nya ang dahilan dpat sa pagka kongresman sya nagresign,” sabi ng isang netizen sa Facebook.

“…nagresign nga ba o tinanggal,” dagdag pa ng isa.

Itinanggi naman ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatalsik kay Co sa puwesto.

ZALDY CO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with