^

Bansa

6 milyong balota nasayang dahil sa TRO ng SC - Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 milyong balota nasayang dahil sa TRO ng SC - Comelec
Itinigil ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota para isama sa official ballot ang pangalan ng limang kandidato na una nang inalis ng poll body subalit pinabalik ng Supreme Court.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Aabot sa anim na milyong balota na natapos nang iimprenta ng poll body para sa 2025 National and Local Elections (NLE) ang mababalewala at masasayang lamang, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.

Kasunod na rin ito nang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa diskuwalipikasyon ni dating Caloocan City representative Edgar Erice at apat na iba pa.

Matatandaang kamakalawa, nagpalabas ng TRO ang Supreme Court (SC) at hinadlangan ang Comelec laban sa pagdiskuwalipika sa mga ­naturang kandidato.

Dahil dito, napilitan ang Comelec na kaagad na ipatigil ang pag-iimprenta ng mga balota dahil hindi kasama sa mga ito ang mga pangalan ng mga naturang kandidato na una na nilang diniskuwalipika ngunit malaunan ay pinaburan ng Mataas na Hukuman.

“Yung naimprenta po namin na higit kumulang na 6 na milyong balota ay mababalewala na po lahat sapagkat wala po ‘yung pangalan ng naturang kandidato,” ani Garcia.

“And therefore, back to zero po kami,” aniya pa.

Sa pagtaya ni Garcia, ang bawat balota ay nagkakahalaga ng P22 kaya’t sa kabuuan, aabot sa P132 milyon ang halaga ng masasayang na balota.

“Pagkatapos napakarami po namin doon na mga tauhan na pinapasuweldo with overtime lahat po ‘yun kasi nga po may night shift po kami.”

Sa kabila nang pagkaantala ng ballot printing, tiniyak ni Garcia na tuluy na tuloy pa rin ang pagdaraos ng midterm polls sa Mayo 12.

Kinumpirma rin ni Garcia na bukod sa ballot printing, apektado rin ng desisyon ng Korte Suprema ang mock elections, na ipinagpaliban sa Enero 25.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with