^

Bansa

150 Pinoy naapektuhan ng LA wildfires - DFA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
150 Pinoy naapektuhan ng LA wildfires - DFA
Firefighters monitor as the Palisades fire grows near the Mandeville Canyon neighborhood and Encino, California, on January 11, 2025. The Palisades Fire, the largest of the Los Angeles fires, spread toward previously untouched neighborhoods January 11, forcing new evacuations and dimming hopes that the disaster was coming under control.
AFP / Patrick T. Fallon

MANILA, Philippines — Nasa 150 Filipinos ang naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles at kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

“We have about 150 displaced Filipinos. They had to undergo the mandatory evacuation. They are now being housed in evacuation centers,” ayon kay DFA Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz.

Ang wildfires ay kumalat sa libu-libong mga ektarya ng lupain dahil sa malakas na hangin kung saan naapektuhan ang tatlong magkakahiwalay na lugar na kinabibilangan ng Palisades, Eaton, at Hurst.

Nasa 24 ang iniulat sa namatay kung saan walo ang nasawi sa Palisades at 16 sa Eaton. Mahigit sa 100,000 residente ang inutusan na ring lumikas.

Tiniyak ni Cruz na tinutulungan ng gob­yerno ng Pilipinas ang mga apektadong Filipino na makakuha ng pangmatagalang tirahan.

Nasa 290,000 mga Pinoy immigrants ang nakatira sa Los Angeles, Long Beach at Anaheim sa California.

DFA

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with