Rep. Co nagbitiw na House appropriations chair
MANILA, Philippines — Nagbitiw sa puwesto nitong Lunes si House Committee on Appropriations Chairman at AKO Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, isa sa pinakamakapangyarihang komite sa Kamara na nangangasiwa sa pondo ng bansa.
“I extend my heartfelt gratitude to the majority in Congress for graciously accepting my decision to step down as Chairman of the House Committee on Appropriations,” pahayag ni Co sa pagbabalik sesyon ng Kamara.
“This decision, made with a heavy heart, is driven by pressing health concerns. The highly demanding nature of my role has taken its toll, and I now need to prioritize seeking the medical attention necessary for my well-being,” malungkot na sabi pa ni Co.
Sinabi ni Co na nagserbisyo siya sa abot ng kaniyang kakayahan para sa nakararami at isang malaking karangalan para pagkatiwalaan siya ng mas mabigat na responsibilidad sa pangangasiwa sa pondo ng bansa bilang serbisyo sa taumbayan at kaniyang mga constituent.
Nakatakdang ianunsyo ng liderato ng Kamara ang hahalili sa puwestong binakante ni Co.
- Latest