OCTA: Inflation, pagkain top concern ng Pinoy
MANILA, Philippines — Nananatili ang inflation at pagkain sa pangunahing concerns o alalahanin ng mga Pinoy.
Batay sa resulta ng OCTA Research 4th Quarter 2024 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na inilabas kahapon, 56% ng adult Filipinos ay itinuturing na ang pagkontrol sa presyo ng basic goods at commodities bilang top national concern.
“This is a significant drop of 10 percentage points from the 66% registered during the 3rd Quarter of 2024,” anang OCTA.
Kasunod ng inflation, 44% ng mga Pinoy ay concern sa access sa abot-kayang pagkain, pagpapahusay o pagdaragdag ng sweldo (36%), pag-ahon sa kahirapan (34%) at paglikha ng trabaho (29%).
Ang alalahanin naman sa umento sa sahod ay bahagyang bumaba sa 36% mula sa dating 39% habang bumaba rin ng apat na puntos ang concerns sa paglikha ng trabaho na nasa 29% na lamang.
Anang OCTA Research, ang survey ay isinagawa mula Nobyembre 10-16, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa may 1,200 respondents, na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.
- Latest