Life imprisonment, P10 milyong multa vs scammer ng OFWs – Tulfo
MANILA, Philippines — Itinutulak ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist ang mas mabigat na parusa at pagkakulong sa sinumang manloloko at mambibiktima ng mga OFW at ng kanyang pamilya.
Ihahain ngayong Lunes (Enero 13), sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso, ni Cong. Tulfo at mga kasamahan ang House Bill na “an act penalizing fraud against Overseas Filipino Workers (OFW) and providing penalties for violation thereof.”
Kasama ni Tulfo na maghahain ng panukalang batas ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo.
“Kadalasan ang natatanggap naming sumbong ay mga OFW na binibiktima ng mga scammer lalo na tuwing uuwi sila sa Pilipinas,” ani Cong. Tulfo.
Paliwanag ni Tulfo, sa halip na mapunta sa kanilang pamilya o iipunin ang perang pinaghirapan sa ibang bansa ay sa mga manloloko lang napupunta.
Ayon kay Tulfo, kalimitan ay na-i-scam ang mga OFW sa mga business investment tulad ng networkin o lending, college plan ng mga bata, at pabahay.
“Dapat na itong wakasan, kailangan natin ang batas na magpo-protekta sa mga OFW,” ani Tulfo sa pahayag”, ayon naman kay Rep. Yap.
Hindi bababa sa P10 milyon ang multa at 20 taon hanggang life imprisonment sa sino mang mapapatunayang nagkasala sa panloloko sa mga OFW.
- Latest