^

Bansa

China ‘monster ship’ bumalik sa Zambales

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
China âmonster shipâ bumalik sa Zambales
Ang monster ship ay may sukat na 165 metro at 12,000 tonelada na ipinalit sa naitaboy na ng PCG na CCG 3304.
Photo from the PCG

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado na pinalitan ng “monster ship” o China Coast Guard (CCG) vessel 5901 ang isa pang Chinese vessel sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at nakaposisyon sa 97 nautical miles sa baybayin ng Zambales.

Ang monster ship ay may sukat na 165 metro at 12,000 tonelada na ipinalit sa naitaboy na ng PCG na CCG 3304.

Ayon sa PCG, sa kabila ng napakalaking monster ship, hindi nabahala ang PCG BRP Teresa Magbanua na hadlangan ang mga pagtatangka nito na muling makalapit sa baybayin ng Zambales.

“This strategic maneuvering by the BRP Teresa Magbanua has prompted the People’s Republic of China to deploy the China Coast Guard 5901 ‘monster ship’ this afternoon, as they attempt to outmaneuver the PCG vessel,” ayon sa PCG.

Hindi rin nilulubayan ng PCG ang radio challenge sa Chinese na labag sa batas ang paglalayag nila sa 200-nautical-mile EEZ ng Pilipinas.

Una nang namataan ang monster ship sa Capones Island, Zambales at naglayag malapit sa Lubang Island, Occidental Mindoro noong nakalipas na Lunes.

Una nang sinabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson for West Philippine Sea, na gusto palabasin ng China na parang new normal ang pananatili nila sa WPS at layon din na maitaboy ang mga mangingisdang Pilipino.

ZAMBALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with