^

Bansa

Pinas magbubukas ng mas maraming embahada sa ibang bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magbukas ang Pilipinas ng apat na foreign mission sa North America at Asia Pacific para lumawak ang pakikipag-ugnayan nito sa buong mundo at mapatatag ang international na relasyon ng bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagsasalita sa harap ng mga miyem­bro ng diplomatic corps sa ginanap na Vin d’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila, sinabi ni Marcos na palalawakin at palalakasin ng bansa ang diplomatikong pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang pamahalaan.

“Early in my presidency, I vowed to re-introduce the Philippines to the world and jumpstart meaningful, concrete, and mutually beneficial partnerships that will drive growth for this country in the 21st century economy,” ani Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na sinimulan ng Pilipinas ang isang diplomatic agenda para sa international partnerships at itinaas ang kooperasyon sa traditional partners at mga bagong kaalyadong bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Ang mga pakikipag-ugnayan na ito, aniya, ay nagresulta sa mara­ming mataas na antas na pagbisita ng mga pinuno ng mundo at mga opisyal ng dayuhan.

Noong 2024, binuksan ng Pilipinas ang apat na embahada sa Europe at Latin America. Marami pang mga misyon ang nakatakdang buksan, kung saan aabot na sa 102 ang kabuuang foreign service post ngayong 2005.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with