^

Bansa

PhilHealth tinaasan ­benepisyo sa sakit sa puso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth tinaasan ­benepisyo sa sakit sa puso
Sinabi ni Dr. Israel Francis Pargas, spokesperson at senior vice president ng PhilHealth, ang dating benepisyo na P30,000 para sa mga nangangailangan ng angioplasty ay itinaas na sa mahigit na P500,000.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Pinalawak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang apat na package benefits sa mga miyembro na may ischemic heart disease-acute myocardial infarction.

Sinabi ni Dr. Israel Francis Pargas, spokesperson at senior vice president ng PhilHealth, ang dating benepisyo na P30,000 para sa mga nangangailangan ng angioplasty ay itinaas na sa mahigit na P500,000.

Bukod pa ito sa cardiac rehabilitation na aabot sa P60,000 at fibrinolysis na higit sa P100,000.

“Halimbawa kailangan bigyan ng gamot is ­ngayon binabayaran na natin ng more than P100,000,” aniya.

Kabilang pa sa dagdag na benepisyo ang bayarin sa paggamit ng ambulance transfer para sa mga nangangailangan ng paglipat mula sa ospital na walang sapat na kakayahan para gamutin ang pasyente.

“Kasama na rin po sa benepisyo na ibinibigay natin ngayon ‘yung transfer using ambulance at ito po’y binabayaran natin around P21,000 effective January 1,” dagdag niya.

Tinanggal na rin ang dating polisiya ng “single period of confinement” kung saan limitado lamang ang benepisyo kung muling ma-confine ang ­pasyente sa parehong dahilan.

“Kung mako-confine ka po ulit, you would need another angioplasty then that’s another package para sa inyo,” paliwanag ni Pargas.

Samantala, tiniyak din ng PhilHealth na nagkakaroon na ng reconciliation sa mga government at private hospitals upang matiyak na mabilis na nareresolba ang mga pagkakautang at patuloy na serbisyo para sa mga miyembro.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with