^

Bansa

Mga Pinoy na apektado ng wildfire sa California, aalalayan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy na apektado ng wildfire sa California, aalalayan
This combination of pictures created on January 9, 2025 shows (top) this handout satellite picture courtesy of Maxar Technologies shows an overview of homes before the Palisades fire in La Costa Beach, Malibu, Los Angeles, California on January 18, 2024, (bottom) this handout satellite picture courtesy of Maxar Technologies shows a Shortwave infrared (SWIR) overview of homes after in La Costa Beach, Malibu, Los Angeles, California on January 9, 2025.
via Agence France-Presse See less

MANILA, Philippines — Handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga Filipino na naapektuhan ng malawakang wildfires sa katimugang bahagi ng California.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz, na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga kababayan sa lahat ng uri ng paraan.

Ayon pa kay Cruz, karamihan sa mga Filipino ay nasa ilalim ng mandatory evacuation.

Nauna na rin humingi ng tulong ang mga Pinoy at Filipino-Americans dahil ilan sa kanila ay nasunog ang mga ari-arian.

Samantala, naglabas na rin ng abiso ang ­Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga Filipino nationals na makipag-ugnayan sa diplomatic post para sa kailangang tulong.

Sinabi naman ni Cruz na sa ngayon ay tatlong Pilipinong pamilya pa lamang ang nakikipag-­ugnayan sa kanila para humingi ng tulong.

“The Consulate is coordinating with local authorities and closely monitoring the situation of Filipino nationals in the affected areas. Filipino nationals requiring the Consulate’s assistance may call (323) 528-1528,” nakasadd sa abiso ng Consulate.

Inaabisuhan din ng Consulate ang Filipino community sa mga lugar na naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles County na sumunod sa mga lokal na advisory, mag-ingat at sumunod sa evacuation centers.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with