Mahihirap na Pinoy binabaan ‘living standards’
MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng self-rated poor Filipino families noong nakaraang taon.
Sa kabila ito ng mga indikasyon na binabaan na nila ang living standards.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 12 hanggang 18, mula 15,000 noong Hunyo, bumaba ito sa 12,000 noong Setyembre at naging P10,000 noong Disyembre.
“The self-rated poverty threshold … has remained sluggish for several years despite considerable inflation. This indicates that poor families have been lowering their living standards, i.e., belt-tightening,” pahayag ng SWS.
Pinakamataas ang Metro Manila na may self-rated poverty threshold mula P18,000 noong Setyembre at naging P20,000 noong Disyembre.
Bumaba naman sa Balance Luzon ng P10,000 mula P15,000 habang nananatiling P10,000 sa Visayas at Mindanao.
Sa kabila nang mababang threshold, umabot pa rin sa 63 porsyento ang self-rated poverty noong Disyembre, mas mataas ng apat na puntos mula sa 59 porsyento noong Setyembre.
Ito na ang pinakamataas na rekord mula noong Nobyembre 2003 na pumalo lamang sa 64%.
“In the past, the median self-rated poverty gap has generally been half of the median self-rated poverty threshold. This means that typical poor families lack about half of what they need to not consider themselves poor,” saad ng survey.
Ayon pa sa survey, ang median family expenses para sa upa ng bahay ay nasa P3,000 kada buwan P2,000 sa transportation, P1,000 sa internet at P300 sa mobile load.
Nasa 2,160 respondents ang lumahok sa naturang survey.
- Latest