^

Bansa

Mga pulis na raraket na bodyguard ng mga pulitiko, sisibakin ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga pulis na raraket na bodyguard ng mga pulitiko, sisibakin ng PNP
This file photo shows members of the Philippine National Police.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police chief Rommel Francisco Marbil na sisibakin sa serbisyo ang mga pulis na masasangkot sa moonlighting o pagbibigay ng private security sa mga kandidato ngayong papalapit na ang 2025 midterm elections.

Ang paniniyak ay ginawa ni Marbil kasabay ng pahayag na “strictly not allowed” ang ganitong gawain para sa mga pulis at may kaparusahang aabot sa pagkakasibak sa tungkulin ang sinumang mahuhuling pulis na gagawa nito.

Ayon kay Marbil, nakalaan lamang ang mga security escort na aprubado ng Commission on Elections (Comelec) kung may lehitimong threat o banta sa buhay ng isang politiko.

Subalit ayon kay Marbil, dapat munang pag-usapan ang mga patakaran ukol dito kasama ang poll body at hanggang sa 2 police escort lamang ang maaring ibigay sa isang kandidato.

Binalaan ni Marbil ang mga pulis na lalabag sa kautusan na sila’y matatanggal sa serbisyo at ang mga kasamahan nilang magtatangkang protektahan ay makakasuhan din.

Dagdag ni Marbil, walang puwang sa PNP ang anumang uri ng mga paglabag sa organisas­yon.

MARBIL

ROMMEL FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with