^

Bansa

Leni tinangka ring alisin sa NSC noon - Bersamin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Panelo, Roque binara

MANILA, Philippines — Walang moral authority at malisyoso ang mga pahayag nina dating presidential adviser Salvador Panelo at dating presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa reorganisasyon sa National Security Council (NSC).

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na base sa kanyang nabasa noong si Panelo pa ang dating presidential adviser ay isinusulong din nito ang pag-aalis kay dating Vice President Leni Robredo bilang miyembro ng NSC.

Kaya giit ni Bersamin, walang “moral authority”si Panelo na kwestyunin ang desisyon ni Marcos na alisin bilang miyembro ng NSC sina Vice-President Sara Duterte at mga dating presidente na ngayon ay buhay pa.

Anya, ang NSC ay isang advisory body at bilang isang commander-in-chief ay may karapatan at res­ponsibilidad na sundin ang mga payo sa kanya ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan.

Hindi naman aniya sinasabi na hindi mapapagkatiwalaan ang Bise-Presidente, subalit dahil sa mga bagong development ay maganda na ang naging hakbang ng Pangulo.

Ayon pa kay Bersamin, mayroong power of absolute re-organization na nangangahulugan na mayroong kapangyarihan ang Pangulo na pumili ng mga taong nais niyang pakinggan.

Samantala, tinawag din malisyoso ni Bersamin ang pahayag ni Roque na ikonokonsidera ni Marcos ang magdeklara ng martial law dahil sa ginawang reorganisasyon sa NSC.

Giit ni Bersamin kung laging ganyan ang iniisip ay malisyoso ito dahil ang tanging nasa isip lang ni Marcos ay ang mapalago ang ekonomiya, health at wellness lalo na ang mga mahihirap at ang priority legacy project ng pamahalaan.

“It’s not about martial law, it’s not about extending himself in power no, he has no thinking about that, he does not even think in those terms, malicious talaga si Mr. Harry Roque”, ayon pa kay Bersamin.

NSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with