^

Bansa

Agarang pagsasaayos ng Solo Parent Law, isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano naipapatupad nang maayos ang Solo Parent Law o ang RA 11861 kaya hindi nararamdaman ang mga benepisyo nito.

Ito ang ibinahagi ni ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa isang panayam kamakailan ng matanong hinggil sa benepisyo para sa mga solo parents na umaabot sa 15 milyon ang bilang sa Pilipinas base sa datos ng World Health Organization ngunit kalahati lamang dito ang namuhay sa poverty line.

“Ayon sa Expanded Solo Parent Act of 2022 dapat may monthly allowance na P1,000 ang mga indigent single parents at diskwento sa mga certain grocery items”, ayon kay Cong. Tulfo. “Kung hindi kulang, delayed, o wala talagang naibibigay na monthly allowance sa mga solo parents dahil ipinaubaya ito ng batas sa pamahalaang lungsod o bayan kung saan sila nakatira”.

“Karamihan sa mga LGU ay hindi alam kung saan kukunin ang pondo para sa solo parents lalo na ‘yung mga mahihirap ng munisipyo,” dagdag pa ni Tulfo.

Ayon pa sa House Deputy Majority Leader pati ‘yung discounts sa grocery items ng mga solo parents ay hindi pa rin napapatupad dahil nagrereklamo ang mga tindahan na malulugi na sila dahil marami ng discounts ang ibinibigay nila sa senior citizen at PWDs ngunit wala naman silang nakukuhang tulong sa gobyerno.

Suhestiyon ni Tulfo, baguhin ang batas para sa Expanded Solo Pa­rents na kunin na lang sa national government ang pondo para sa pagbibigay ng allowance sa mga indigent solo parents.

SOLO PARENT LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with