Unang bagyo papasok sa PAR ngayong Enero

Ayon sa PAGASA, mabubuo ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan na tatawaging Auring.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isang bagyo ang maaaring tumama sa bansa ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa PAGASA, mabubuo ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan na tatawaging Auring.

Tinaya ng Pagasa na ang naturang bagyo ay inaasahan na mag-landfall malapit sa Eastern Visayas o sa Caraga Region.

Samantala, mara­ming lugar sa bansa ang nakakaranas ng pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at shear line.

Dulot ng ITCZ, ma­ulan sa Visayas, Caraga, Davao Region, Palawan, Romblon, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate gayundin sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Dulot naman ng shear line o ang pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin, maulan sa Metro Manila, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Aurora, Bulacan, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Norte at Camarines Sur gayundin sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Dulot naman ng amihan ay maulan sa Batanes, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Nueva Vizcaya.

Show comments