^

Bansa

Pangulong Marcos hinikayat mga Pinoy na maging instrumento ng pagbabago

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos hinikayat mga Pinoy na maging instrumento ng pagbabago
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang First Family, ang flag cere­mony at wreath laying sa ika-128 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa monumento nito sa Luneta Park, Maynila kahapon.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na pagnilay-nilayan at isapuso ang legasiya ni Dr. Jose Rizal.

Mensahe ito ng Pangulo kasabay sa paggunita sa ika-128 anibersaryo ng kabayanihan ni Rizal kung saan pinangunahan niya ang wreath laying ceremony sa Rizal National Monument sa Luneta kasama si First Lady Liza Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na hindi maikakaila na mas buhay ang vision at ideal ni Rizal ngayon kumpara noong nakaraang siglo.

“I call on my fellow Filipinos to look back in pride and embody all the things he cherished-love of country, dedication to the truth, and commitment to the betterment of our people,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang papel na gina­gampanan ng katotohanan, kabayanihan at dedikasyon para sa ikauunlad ng bansa.

“True change begins within us, especially when we stand firm on the issues that we face today. Let us be bold enough to be catalysts of change and hold on to the belief that each of us can contribute to the beloved Philippines,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

PINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with