AKAP beneficiaries, vloggers ipinagtanggol programa
MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng ilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, kabilang ang ilang kilalang vloggers, laban sa pagkontra ng ilan sa naturang programa.
Ayon sa ilang na-interview na mga AKAP beneficiaries na lumabas sa ilang vlog, malaking naitulong daw nito sa kanilang pamilya.
Sa vlog ng sikat na social media personality na si Nico David, sinabi nito na gaya sa ibang bansa ang AKAP ay kahalintulad ng program sa abroad para sa mga below minimum wage earners.
“Dapat hindi ito kontrobersyal dahil tulong ito ng pamahalaan sa kapos ang income”, dagdag pa ni Nico David.
Para naman sa Facebook personality na si Silver Voice, “Kailangan ng mga kababayan ang AKAP”.
“Pandagdag kita para sa kanilang munting kinikita…anong masama doon?”, dagdag pa ni Silver Voice.
Para naman sa vlog ng models of manila sinabi nito na hindi masama ang pagbigay ng AKAP sa mga tao. “Pera po ng taumbayan ‘yan kaya nararapat lamang na ibalik sa kanila tulad nitong AKAP”.
Matatandaang kinwestiyun ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang AKAP dahil ito na raw ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngayon.
Agad itong pinasinungalingan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sabay sabing hindi naman nahahawakan ng mga mambabatas ang AKAP dahil mga DSWD personnel ang namamahagi nito sa mga tao”.
Ayon sa talaan ng DSWD, umabot sa limang milyon ang nabiyayaan ng AKAP simula noong Enero hanggang nitong Disyembre 26, 2024.
Target ng naturang ayuda ang mga below minimum wage earners at mga vendors.
- Latest