^

Bansa

Pamilya ng PDLs sa NBP nagpasaklolo kay Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ng PDLs sa NBP nagpasaklolo kay Tulfo
Persons Deprived of Liberty (PDL) talk with their loved ones and relatives over the telephone during the launch of the non-contact booth at the Manila City Jail male dorm on April 26, 2022.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ilang pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang lumapit kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo dahil sa sobra-sobrang pananatili na raw ng kanilang kaanak na PDL sa New Bilibid Prison.

Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas kahit tapos nang bunuin ang kani-kanilang sentensya.

“Ang reklamo nila tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na,” ani Tulfo.

Ang problema rin daw ay natetengga ang pagpirma ng release form ng PDL at hindi agad napi­pirmahan dahil sa rami na dapat na lumaya na rin”.

“Isang ginang ng AIM ang nagsabi na ang asawa niya ay nasentensyahan ng walong taong pagkakakulong dahil sa kasong homicide”, ani Rep. Tulfo. “Sampung taon na raw ang mister niya at sobra na ng dalawang taon sa sentensya sa kanya”.

Dagdag pa ni Tulfo, “ Kung mapapalaya lang ang 10,000 na overstaying na PDL sa NBP, tiyak luluwag ang ating BuCor”.

Nangako ang ACT-CIS Partylist solon na iimbestigahan kung saan talaga ang problema para maayos na ang isyung ito.

PDL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with