E-jeepney sagot sa modernisasyon, inilunsad ni Manong Chavit
MANILA, Philippines — Inilunsad ang e-jeepney na sagot sa modernization program ng pamahalaan na layong gawing makabago ang public transport system sa bansa, kamakalawa.
Nagsama-sama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts kung saan ibinida rito ang mga e-jeepneys na siyang magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation. Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson, at Ako Ilocano Ako Partylist Representative Richelle Singson.
Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum, Director ng E-Mon Korea; at LCSC E-Mon Operations Manager Jinhee Kim.
Sinabi ni Manong Chavit ang kanyang adhikain na gawing moderno ang public transportation system sa bansa sa pamamagitan ng mga electric vehicles.
“Ito na ang magiging simula ng sustainable at innovative future ng bansa,” sabi ni Manong Chavit, na Number 58 sa Senate ballot.
“Sa pamamagitan ng mga electric jeepneys, makakatulong tayo hindi lamang sa ating mga kababayan kundi maging sa ating kalikasan,” dagdag niya.
Kabilang sa inilunsad ang mga electric jeepneys, na may modernong design at eco-friendly features.
Ayon kay Manong Chavit, ito na ang magiging sagot sa urban mobility problems at makakatulong din ito sa pagbawas ng carbon emissions na siyang magtataguyod ng sustainable public transport system sa bansa.
Dagdag pa niya, ito rin ang magiging daan upang manguna ang Pilipinas bilang isang bansa na may sustainable transportation innovation.
Inihayag naman ni Rep. Singson ang kanyang pagsang-ayon sa inisyatibo ni Manong Chavit.
Ipinaliwanag naman ni Jong Gwan Rah ang technical aspects, ang kanyang insights sa Micro-EVs, proof-of-concept processes at ang kanilang pagnanais na magkaroon ng patas at sustainable mobility.
- Latest