^

Bansa

FPJ Panday Bayanihan kasama sa nangungunang partylist sa 2025

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pangunguna ni Brian Poe, ay nakakuha ng momentum para sa darating na 2025 midterm elections, makaraang makakuha ng magandang posisyon sa SWS survey.

Ang partylist ay nakakuha ng 1.73 ­por­­s­yentong pagtaas sa ika-11 na puwesto sa pinakahuling survey ngayong Disyembre.

Ang FPJ Panday Bayanihan ay naka­tuon sa mga haligi ng pagkain, progreso, at hustisya, na naglalayong iangat ang mga marginalized na Pilipino at itaguyod ang isang inklusibo at sustainable na kinabukasan para sa bansa.

“Pinasasalamatan namin ang publiko sa pagkilala sa serbisyong tatak FPJ. Ang FPJ Panday Bayanihan ay patuloy na isusulong ang mga polisiyang mas inklusibo para sa lahat ng Pilipino,” ani Brian Poe, unang nominado ng Partylist. “Karapat-dapat sa mas magandang buhay ang bawat Pilipino na makakamit lamang kapag may seguridad sa pagkain, sustainable na progreso, at mabilis na hustisya,” dagdag pa ni Poe.

Ang vision ng party­list ay malalim na nakaugat sa tradisyong Pilipino ng bayanihan—pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad. Ang terminong Panday ay inspirasyon mula sa iconic na panday na karakter ni Fernando Poe Jr. at sumasalamin sa misyon ng partido na hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino, at buuin ang mas matatag at makataru­ngang lipunan.

FPJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with